My Life In A Nutshell

Lumayo Ka Nga Sa Akin : Da Rebyu

Ito na ang pinakaabangang review of the century. AS IF. Haha. Ito na ang review na pinangako ko sa sarili ko.

The moment I finished reading the book, I just won’t stop talking about it. Apura pa offer ko na ipahiram sa lahat ng tao. One of the Bob Ong books I really like. 

Trilogy itong libro. Tatlong kwento na punong puno ng mga bagay na sasampal sayo. Sabi nga ng isa kong friend, nabugbog siya sa katotohanan na laman ng librong to.

Bala sa Bala. Kamao sa Kamao. Satsat sa Satsat.

Pinapakita dito ang mga typical na nangyayari sa mga action films. Yung tipong huli na dumadating ang mga pulis. Magbubugbugan sa may palengke at kahit masira yung mga paninda, di magagalit ang tindera. Madaming eksena dito na matatawa na lang ako at maiisip, “Oo nga noh.” Actually sa buong libro ganun yung naiisip ko. Namagnify din dito kung ano ang takbo ng industriya ng showbusiness. Lalo na sa part na kung paano nga ba papasikatin o gagawan ng pangalan ang isang artista. Hindi man ganun lahat, pero sigurado may parteng tama. Favorite ko na si DIVINA TUAZON — The nonbiodegradable star! Hindi kasi siya nabubulok. At ang power line niya na, “Magsama kayo ng palitaw mo sa impyerno!” Sa isang conversation ni Divina at Direk, napaisip ako kung may ganun nga talaga nangyayari.

DIVINA: E yung negative publicity dahil sa internet scandal ko?

Direk: Gagwin nating positive publicity. Magbabayad tayo sa press. Nalusutan natin nung nahulihan ka ng drugs sa Guam, nagamok ka sa Boracay, at nabuntis ka ni Mr. Bean. Kaya huwag kang matakot. Walang pakialam ang mga tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado. Hindi ka binabayaran ng advertisers dahil mabait ka, binabayaran ka nila dahil sikat ka.

Sa tingin niyo? Wala ako masyado napulot sa part na ito, except nga sa realization kung gaano kapaulit-ulit ang mga nangyayari sa mga action films natin.

SHAKE. SHAKER. SHAKEST.

Ito siguro pinakafavorite ko sa tatlo. Nagpapakita na naman ng typical na eksena. This time sa horror films naman. Ang bida ay isang pamilya. Nandiyan yung nerd na kapatid at yung sosyalerang ate na reklamador na bihirang mawala sa eksena. Nasa isa silang pelikula pero yung character nila ay bilang kung anong klase silang artista. Malabo ba? 

For me, umaapaw sa substance tong second part. Madaming bagay na nadaanan. Kahit pahapyaw lang, kahit isang linya lang pero mapapaisip ka din. Yun ay kung nagiisip ka. Sa later part ng libro, dun na talaga bumaha ng sustansya.

Nabanggit ang patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa mga dayuhang libro. Hindi naman sa masama, pero sana nga ay nabibigyan din ng pansin at ang mga manunulat natin dito. Sabi nga ni Samuel na possessed…

“Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga trabaho ng Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat, ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa’t sumulat?”

Totoo naman diba. Kaya nga lately, nadadalas ako tumingin sa mga libro na akda ng mga manunulat na Pilipino. Kung makabili tayo ng mamahaling foreign novels ganun na lang, mura na nga lang yung mga local books, di pa natin masubukan. Yaan mo Bob (wow first name basis), next time di na lang ako titingin, bibili na din ako. 

ASAWA NI MARIE.

Wala ako masyado mailalagay dito. Number one. Dahil hindi ko masyado maaalala yung content nito. Haha. Number two. Dahil habang tintype ko ang title ng third part, nakaramdam ako ng gutom dahil 10 am pa ako last kumain.

Pero katulad nung unang dalawa, nagpakita pa rin ito ng typical na pangyayari. Ngayon naman sa mga teleserye. May mahirap na katulong na nagkagusto sa among lalaki na hinahadlangan ng nanay nung lalaki yung pagiibigan nila na yung mahirap na katulong yayaman at magbabalik pero iba na ang pagkatao niya at sige dugtungan mo pa.

Ang pinakagusto ko naman dito, yung part na nakuha ni Senorita Avila  ang lahat ng kamalasan sa isang teleserye. Nandiyan yung nahulog sa hagdan, tapos biglang mabubundol ng kotse at ang pinakaepic sa lahat, ang amnesia. HOHO.

Nagugutom na talaga ako.

——————-

Hindi ko alam kung review nga na matatawag to. Duda nga ako kung makukuha mong basahin ang mahabang nonsense na to. Ang alam ko, nabugbog din ako sa dami ng bagay na pinarealize sakin ng libro.

Nakasentro sa mass media, kung paano tayo maimpluwensyahan, maentertain at mapaikot ng mga bagay na paulit ulit na lang nangyayari at nakikita. Totoo naman, paulit-ulit pero naeentertain pa din talaga ako. Haha. Bakit nga ba?

Kelan kaya magkakaroon ng teleserye na hindi mahihiwalay ang ina sa anak at matapos ang mahabang panahon tapos magkikita sila somewhere at maaalala nung ina yung anak niya, sasabihin niya, “Kung nabubuhay ang anak ko, siguro kasing laki mo na siya ngayon.”

Wala lungs random thought lang yun. :p

Basta sa librong to, madaming realizations, madaming bagay na nakakatawa dahil totoo. Pero sana nga pag nabasa natin to, hindi lang matapos sa pagtawa. Gumawa tayo ng hakbang para sa susunod, hindi na mapagtawanan ang bagay na habang panahon na lang nariyan.

Yun yung book, yung pink. Pinahiram ko yan sa friend ko, pagbalik sakin nabakbak na yung mga gold. Haha. Pero okay lang, hindi masama loob ko promise. Sinabi ko lang para asarin siya. HAHA.

Tapos yung nasa ilalim, Perks of Being a Wallflower. Last year pa yan gift sakin, sa wakas naumpisahan ko na. Tapos yan yung phone ko. Saka yung salamin ko. Wala naman, pampadami lang :)

  1. fuckyeahchaxelos said: di pa ko nakakabili huhuhuhu
  2. deesentinsyzed posted this