My Life In A Nutshell

Lumayo Ka Nga Sa Akin : The Power Lines

Ang mga paborito kong linya hango sa pinakabagong libro ni Bob Ong.

“Tuwahahahaha!”

“Pag kausap kita lagi akong nadadapa. Bakit? Sobrang baba kasi ng IQ mo, natitisod ako!”

“Yun yung mali sa tinatawag na cool factor. Para maging in ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo para kunyari iba ka.”

“Tatlo ang magulang ng bata. Ang tatay, ang nanay at ang media. Kapag mahina ang dalawang nauna, kawawa ang bata. Malakas kasi ang epekto ng media sa kanila.”

“Ang mahilig lang magsabi ng korni, e yung mga taong pa-deep. Kung gusto mo matawa, dapat paminsan-minsan magpakababaw ka rin.”

Mharilyn: “Naku, sobrang Thank You po talaga!” 

Ursula: “Bakit sobra? Hindi ba pwedeng eksakto lang? — eksaktong thank you? Sayang naman yung sobrang hindi magagamit!”

“Dahil hindi mo pa rin matanggap na kilala tayo dati sa mga de-kalidad na pelikula. Nagumpisa lang tayong bumagsak nang maisipan ng mga negosyanteng mamemelikula na mas malaki ang kita sa mga blockbuster na basura. Pero hindi nila naisip na balang araw ay magsasawa rin ang mga tao sa basura, at sa panahong ‘yon, huli na ang lahat para sa mga basurero. Nalapa na ng komersyalismo ang sining. Kaya utot na lang nito ang nilalanghap natin ngayon.”

“Ang lalaking walang abs, pangit? Ang babaeng mahaba ang damit, hindi sexy? Ang mga hottie ay base lang sa standards ng mga patalastas? Kung hindi natin kamukha ang mga modelo at iba ang mga suot nating sapatos, pantalon, at damit sa kanila, pangit na tayo kaagad? Ampapangit ng nilikha ng Maykapal, ganoon ba?”

“Ako, ang hinahangaan kong tao na mahilig sa libro e yung may matutunan ka pag kausap mo, yung makikita mong naging marunong at mabuti siyang tao dahil sa pagbabasa niya ng mga libro.”

“Ang TV, para ring drugs, pero ligal. Isipin mo, bakit isa ito sa unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? Kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. Para tumakas sa realidad.”

“Kung ano ang nakikita at naririnig natin sa araw-araw, nagiging ‘yon tayo. Kinokondisyon tayo ng mga patalastas na hindi tayo masaya, na laging may kulang sa buhay natin. Tatlo ang magulang ng henerasyon natin. Ang tatay, ang nanay, at ang mga patalastas o media. Kaya kung mahina yung dalawang nauna, naaagawan sila nung pangatlo sa pagpapalaki sa bata.”

‎”Lahat tayo may love triangle…(isang) higanteng pyramid ng mga taong naghahabol, hinahabol, at mga magkakaribal.”

‎”Tuwing kailangan natin ng source of pride, gumagawa lang tayo ng pinakamahaba, pinakamalaki at pinakapinaka na maisasali natin sa Guinness World Record!”

Gusto mo ‘in’ ka, pero kailangan ikaw lang ang ‘in’? Sobrang insecure mo naman pag ganon.

“Lalo na tayong mga kabataan. Masyado tayong mayabang pero andali-dali nating maimpluwensyahan. Kaya tayo tinatawag na impressionable.”

“What’s the “O” in OPM again? and Where’s the “P”? Oh, and you call that “M”? Buti pa sina Yoyoy Villame at April Boy, may totoong contribution sa Philippine Music

“Yung itim sumasabog. Yung puti merong bomba. Yung dilaw bumibilis habang nasa ere. Tapos yung blue nagiging tatlong ibon.”


  1. the-usual-username- reblogged this from deesentinsyzed
  2. deesentinsyzed posted this